© Superelmer Facebook |
Aaminin ko, malapit na rin ako
malamon ng KDrama. Haha! At dahil yun sa kakapanood ko, at sa kapatid ko na lagi kong nakikitang
nanonood ng kdrama sa bahay. Marami na rin ako napanood na Kdrama pero meron akong mga paborito.
Ito ang listahan ng top
favorite KDramas na napanood ko:
My Love From The Star |
1. My Love From The Star (Original
version)
CHEON SONG YI! DO MIN JOON-ssi!!!! 😍😍😍
Pinaka-paborito kong kdrama 'to! Grabe sina Cheon Song Yi at Do Min Joon-ssi. Romcom
siya. Sobrang nakakatawa ang mga bidang characters kaya mamahalin mo sila, at
walang dull episodes. Salamat na din sa gumanap na sina Jun Ji-hyun
at Kim Soo-hyun
dahil magaling sila umarte. 👏👏👏 Ang ganda nung kwento na may impact talaga sa manoood.
Kaya ilang beses din itong may re-run sa GMA7 at gumawa pa sila ng Pinoy version.
Cheese In The Trap |
2. Cheese In The Trap
Top 2 ko ‘to. Not your typical kdrama. 👌 Nagustuhan
ko yung pagka-dark ng kwento niya at funny din siya. Wala siyang boring na episode,
promise! 👍 At nagustuhan ko rin ang mga characters. Importante kasi sa akin na
magustuhan ang mga characters. Ang gagaling pa ng mga bida, lahat sila actually,
lalo na si Baek In-ha (Lee Sung-kyung). 👏👏👏👏👏 Ang lakas din ng dating ng kwento nito
sa akin eh dahil nung nalaman kong may webtoon pala ito eh binasa ko din.
Dream High |
3. Dream High 1
Ang ganda nito! Kwento ng mga
kabataan na nangangarap sumikat sa larangan ng pagkanta at pagsayaw. At dahil bagets
sila, maiinis ka sa mga ugali nila dito. 😤😤 Hahaha! Pero ang ganda kasi nung
kwento kaya hindi mo siya bibitawan. 👍👍 Ang ganda nung mga kanta nila, at yung mga
performance nila lalo na yung flash mob!!! Panalo yun! 📻💃🕺 Ito yung pwede mo ulit-ulitin lalo dahil nakaka-good vibes yung
pag-grow ng mga characters as an artist.
Weightlifting Fairy Kim Bok-joo |
4. Weightlifting Fairy Kim Bok-joo
Sina Kim Bok-joo at Joon-hyung. 💕💕💕 *sigh* One word to describe this kdrama, NAKAKAKILIG! 😄😂 Ang lakas ng dating ng
characters nina Lee Sung-kyung at Nam Joo-hyuk dito! IBA! Nakakatuwa,
nakakaaliw, nakakagigil, nakakakilig. Hahaha! 😂😂🙈 Tsaka magaling sila umarte,
again, lalo na si Lee Sung-kyung. I'm a fan. Medyo nakakainis lang kasi medyo bitin yung
love story nila. Gugustuhin mo talaga na may book 2 pa. Pero dahil walang book
2, eh okay pa rin tong ulit-ulitin dahil hindi nakakasawa. 👌👌👌
She Was Pretty |
5. She Was Pretty
Pinaka-nagustuhan ko dito ay yung
mga characters dahil nasa 30s na ata sila or late 20s, kaya matured na sila
halos sa lahat ng bagay. 👍👍 Kaya light lang ito, magaan panoorin, nakaka-good
vibes. Pero guys, prepare for the “second lead syndrome.” 😕
Yun talaga! Pero kahit ganun, napakaganda pa rin nito, lalo na ang ending nito. SOBRA! Lahat
ata ng stress ko nawala dahil doon! Haha!
Napakarami
pang pwedeng panoorin na available online! Hanapin niyo lang sa
Kissasian, DramaCools, Drama Fever, at marami pang iba. 😉
Oo,
malapit na ako kainin ng kdrama, lalo pa ngayon na ang mga teleserye sa
atin ay
nakakasawa nang panoorin dahil paulit-ulit ang plot, sobrang predictable
ng mga
eksena at sobrang pinahabang kwento kaya ang sabaw na ng mga nangyayari.
😤😠😡 Tsaka mapapansin niyo talaga yung pagkakaiba ng storytelling sa
Pinoy teleserye at Kdrama.
Kaya guys, kung sawa na kayo sa teleseryes na gawang Pinoy, alam niyo na, ito ang magandang escape! Hahaha! 🤗👋