Lunes, Marso 26, 2018

KKK Tapsihan #Pawer!

No automatic alt text available.
© KKK Tapishan FB Page
Makibaka!!! Wait... hindi sa labanan, kundi sa tapsihan. Dito sa Bacoor, Cavite mayroong tapsihan na dapat niyong puntahan, ito ang KKK Tapsihan.

Ang KKK Tapsihan ay matatagpuan sa 112 Kaingin, City of Bacoor, Cavite. Kung kayo ay galing sa St. Dominic College of Asia, maglakad kayo papunta sa sakayan ng jeep sa may Talaba. And then sumakay kayo ng jeep na may karatulang Mabolo at bumaba sa Barangay Kaingin near Petron Station. Doon niyo na matatagpuan KKK Tapsihan! 

Open sila everyday from 4:00pm to 1:00am.

Nakuha pala nila ang name na KKK sa first letter ng tatlong anak ng may-ari.

Ang pinaka-popular nilang meal ay ang Tapsilog (Tapa, Sinangag at Itlog). Nung kumain kami dito ay ito yung inorder ko since play safe ako na gusto ko yung bibilhin kong pagkain ay gusto ng marami. At yun, kaya naman pala ito ang pinaka-popular dahil napakasarap nito! Yung meat niya malambot at malasa, at gusto ko yung sinangag nila! Exclamation point yan dahil importante sakin ang lasa ng sinangag o kanin. Hehe. Sulit dito ang 90 pesos mo dahil ang sarap niya.
© Deeja Jimoh

Inorder naman ng tatlong classmates ko ay ang (Beef) Burger Steak with sinangag. Ang masasabi nila, sobrang satisfied sa lasa. At syempre nakitikim din ako and ang masasabi ko naman, kapag bumalik ulit kami sa KKK, ito naman ang o-orderin ko. *wink* Sulit ang 100 pesos.  

© Abdula Diampuan


Dessert naman, mayroon silang Choco Overload, Strawberry Shake at iba pa. Ang natikman ko naman dito, dahil nakisipsip sa classmate, ay yung Choco Overload. Haha! Ang sarap niya, sip lang pero nalasahan ko yung Hershey’s choco syrup. Hindi ko alam kung meron talagang ganun sa Choco Overload or ganun lang talaga yung lasa. Ang sarap niya, promise! (The price is 110 pesos)
© Dean Mae Zamudio


Ang iba ko ring natikman sa kanilang menu ay Chicken Mojos at Fruit Salad.

© Dan Ray Dionisio




Me and my classmates. © Abdula Diampuan

Sa kanila namang lugar, medyo maliit kaya kapag gabi kayo pumunta, may mga pila na. Yung loob naman nila, may parte na Instagramable na pwede kayo magpicture-picture dahil maganda ang background.
My classmate Dan Ray Dionisio


Sa maraming tapsilogan sa Bacoor, isa ito sa dapat niyong puntahan at bisitahin. Kaya makibaka na dito sa KKK Tapsihan!
Me and my classmates in KKK Tapsihan. © Abdula Diampuan

Para sa iba pang menu, puntahan ang FB page ng KKK Tapsihan. https://www.facebook.com/pawerTapsi/