© KKK Tapishan FB Page |
Makibaka!!! Wait... hindi sa labanan, kundi sa tapsihan. Dito sa Bacoor, Cavite mayroong tapsihan na dapat niyong puntahan, ito ang KKK Tapsihan.
Ang KKK Tapsihan ay matatagpuan sa 112 Kaingin, City of
Bacoor, Cavite. Kung kayo ay galing sa St. Dominic College of Asia, maglakad
kayo papunta sa sakayan ng jeep sa may Talaba. And then sumakay kayo ng jeep na
may karatulang Mabolo at bumaba sa Barangay Kaingin near Petron Station. Doon
niyo na matatagpuan KKK Tapsihan!
Open sila everyday from 4:00pm to 1:00am.
Nakuha pala nila ang name na KKK sa first letter ng tatlong anak ng may-ari.
Open sila everyday from 4:00pm to 1:00am.
Nakuha pala nila ang name na KKK sa first letter ng tatlong anak ng may-ari.
Ang pinaka-popular nilang meal ay ang Tapsilog (Tapa, Sinangag at
Itlog). Nung kumain kami dito ay ito yung inorder ko since play safe ako na
gusto ko yung bibilhin kong pagkain ay gusto ng marami. At yun, kaya naman pala
ito ang pinaka-popular dahil napakasarap nito! Yung meat niya malambot at
malasa, at gusto ko yung sinangag nila! Exclamation point yan dahil importante
sakin ang lasa ng sinangag o kanin. Hehe. Sulit dito ang 90 pesos mo dahil ang
sarap niya.
Inorder naman ng tatlong classmates ko ay ang (Beef) Burger Steak with sinangag.
Ang masasabi nila, sobrang satisfied sa lasa. At syempre nakitikim din ako and
ang masasabi ko naman, kapag bumalik ulit kami sa KKK, ito naman ang o-orderin
ko. *wink* Sulit ang 100 pesos.
© Abdula Diampuan |
© Dean Mae Zamudio |
Ang iba ko ring natikman sa kanilang menu ay Chicken
Mojos at Fruit Salad.
© Dan Ray Dionisio |
Me and my classmates. © Abdula Diampuan |
My classmate Dan Ray Dionisio |
Sa maraming tapsilogan sa Bacoor, isa ito sa dapat niyong
puntahan at bisitahin. Kaya makibaka na dito sa KKK Tapsihan!
Me and my classmates in KKK Tapsihan. © Abdula Diampuan |
Para sa iba pang menu, puntahan ang FB page ng KKK Tapsihan. https://www.facebook.com/pawerTapsi/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento