Lunes, Mayo 14, 2018

#SDCAstory: Summer intership in PTV4 and PBS


by Patrick Jay Cope

Second semester has ended in St. Dominic College of Asia (SDCA) and it’s vacation time for all the students… except for ABCOMM third year students. The class is over but the learning is not because they will be having a summer internship program in Philippine Broadcasting Service (PBS) and People’s Television 4 (PTV4) in Quezon City.

The summer internship will start on May 16, 2018. Though some of the students will postpone their summer vacation until June and some will not get the vacation, they are still excited with the learning they will get.

For ABCOMM, the summer internship program is always in Communication and Community Affairs Office (CCAO) in SDCA. But the Sir Romeo Gonzalvo Jr., program chair of their course, decided that his students would have the summer internship in PBS and PTV4. And even his students like the idea of getting an internship in those companies. “I believe that it would be helpful in my chosen career especially in terms of media and broadcasting, [and] I think that PTV4 will be an interesting and exciting journey for my internship”, Alyssa Dela Peña, an ABCOMM third year student.

If Alyssa wants to be in PTV4, her classmate Anna Doroliat likes the PBS more. “I can see that nowadays, some ABCOMM students tend to pursue more on TV field, I want to experience first the field of radio, with this I will be molded from first step to greatness”, Anna said.

And because they want to be in PBS and PTV4, they are expecting something to gain. “My expectations are to know more about the reality of our field and to be more grinded for the better outcome, eagerly enthusiastic to face the real world and government”, Anna said.

Alyssa on the other hand is expecting to see what happens behind the camera, “and to experience first hand how media practitioners serve our country and the people. And also I want to have fun while learning”, she said.

Since the internship will be in Quezon City, most of the students have decided to rent a house there so it will not be hard for them to commute everyday. “We looked for various options for the apartment that we'll be staying in and also made a few computations on how much we'll be spending for the whole training”, Alyssa said.

Aside from the preparation of finding and making her boarding house to be comfortable for her to stay, Anna did an extra preparation, “[I am] preparing my physical, mental and emotional for the stresses that I'm about to face”, she said.

Summer internship or internship in general will be helpful for every students to practice their learning from school to the real world. And having an internship in a legitimate company like PTV4 and PBS is a great opportunity that should not be missed even if you are eager to have a summer vacation.



(I interviewed Alyssa Dela Peña and Anna Doroliat last May 11, 2018)



Biyernes, Mayo 11, 2018

#ImusBalita: Japanese national, ninakawan at sinaktan


Ulat ni Patrick Jay Cope

Nahuli sa akto ang isang ginang na sinaktan at ninakawan ang isang Japanese national sa Carsadang Bago 1, Imus noong nakaraang Mayo 8.

Kinilala ang biktima na si Shizuya Hayashi, 89 na taong gulang, mula Pasay, at ang suspek na si Uswalda Borrico Conde, 49 na taong gulang, mula sa Bacoor.

Ayon kay Shizuya, isama siya ni Uswalda mula Pasay patungong Bacoor para bumisita sa bahay nito ngunit sa halip ay iniligaw lamang siya nito at ninakawan ng pera.

Ayon pa sa biktima, nang hindi ibigay ang pera sa suspek ay pinukpok siya nito ng bato sa ulo.

Nakita naman ng isang barangay tanod na si Jhonbee Baclagan, kasama ang magka-live in partner na sina Shiela Pares at Sonly Panoy, na hinihili ng suspek ang duguang biktima sa kalsada, at agad naman nilang nilapitan at inaresto ang suspek.

Dinala agad ang biktima sa Our Lady of Pillar Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek na may kasong “attempted robbery with frustrated homicide” at ipinasa na ito sa piskalya.



(Nakalap ko ang mga impormasyon noong Mayo 10, 2018 sa Imus Municipal Police Station, Gen. J Castañeda St., Poblacion 3, City of Imus)

Lunes, Marso 26, 2018

KKK Tapsihan #Pawer!

No automatic alt text available.
© KKK Tapishan FB Page
Makibaka!!! Wait... hindi sa labanan, kundi sa tapsihan. Dito sa Bacoor, Cavite mayroong tapsihan na dapat niyong puntahan, ito ang KKK Tapsihan.

Ang KKK Tapsihan ay matatagpuan sa 112 Kaingin, City of Bacoor, Cavite. Kung kayo ay galing sa St. Dominic College of Asia, maglakad kayo papunta sa sakayan ng jeep sa may Talaba. And then sumakay kayo ng jeep na may karatulang Mabolo at bumaba sa Barangay Kaingin near Petron Station. Doon niyo na matatagpuan KKK Tapsihan! 

Open sila everyday from 4:00pm to 1:00am.

Nakuha pala nila ang name na KKK sa first letter ng tatlong anak ng may-ari.

Ang pinaka-popular nilang meal ay ang Tapsilog (Tapa, Sinangag at Itlog). Nung kumain kami dito ay ito yung inorder ko since play safe ako na gusto ko yung bibilhin kong pagkain ay gusto ng marami. At yun, kaya naman pala ito ang pinaka-popular dahil napakasarap nito! Yung meat niya malambot at malasa, at gusto ko yung sinangag nila! Exclamation point yan dahil importante sakin ang lasa ng sinangag o kanin. Hehe. Sulit dito ang 90 pesos mo dahil ang sarap niya.
© Deeja Jimoh

Inorder naman ng tatlong classmates ko ay ang (Beef) Burger Steak with sinangag. Ang masasabi nila, sobrang satisfied sa lasa. At syempre nakitikim din ako and ang masasabi ko naman, kapag bumalik ulit kami sa KKK, ito naman ang o-orderin ko. *wink* Sulit ang 100 pesos.  

© Abdula Diampuan


Dessert naman, mayroon silang Choco Overload, Strawberry Shake at iba pa. Ang natikman ko naman dito, dahil nakisipsip sa classmate, ay yung Choco Overload. Haha! Ang sarap niya, sip lang pero nalasahan ko yung Hershey’s choco syrup. Hindi ko alam kung meron talagang ganun sa Choco Overload or ganun lang talaga yung lasa. Ang sarap niya, promise! (The price is 110 pesos)
© Dean Mae Zamudio


Ang iba ko ring natikman sa kanilang menu ay Chicken Mojos at Fruit Salad.

© Dan Ray Dionisio




Me and my classmates. © Abdula Diampuan

Sa kanila namang lugar, medyo maliit kaya kapag gabi kayo pumunta, may mga pila na. Yung loob naman nila, may parte na Instagramable na pwede kayo magpicture-picture dahil maganda ang background.
My classmate Dan Ray Dionisio


Sa maraming tapsilogan sa Bacoor, isa ito sa dapat niyong puntahan at bisitahin. Kaya makibaka na dito sa KKK Tapsihan!
Me and my classmates in KKK Tapsihan. © Abdula Diampuan

Para sa iba pang menu, puntahan ang FB page ng KKK Tapsihan. https://www.facebook.com/pawerTapsi/

Biyernes, Oktubre 13, 2017

#Nilamon ng KDrama 😂😂😂


© Superelmer Facebook
Marami sa ating mga Pinoy ang sobrang nahuhumaling na to the point na nilamon na ng Kdrama or Korean Drama TV series. Hahaha! Pero nag-umpisa tayong mahumaling dito noong 2000s, nang ipalabas ng ABS-CBN at GMA7 ang Full House, Lovers In Paris, Jewel In The Palace, Jumong, at iba pa.

Aaminin ko, malapit na rin ako malamon ng KDrama. Haha! At dahil yun sa kakapanood ko, at sa kapatid ko na lagi kong nakikitang nanonood ng kdrama sa bahay. Marami na rin ako napanood na Kdrama pero meron akong mga paborito.



Ito ang listahan ng top favorite KDramas na napanood ko:
My Love From The Star
1. My Love From The Star (Original version)

CHEON SONG YI! DO MIN JOON-ssi!!!! 😍😍😍 Pinaka-paborito kong kdrama 'to! Grabe sina Cheon Song Yi at Do Min Joon-ssi. Romcom siya. Sobrang nakakatawa ang mga bidang characters kaya mamahalin mo sila, at walang dull episodes. Salamat na din sa gumanap na sina Jun Ji-hyun at Kim Soo-hyun dahil magaling sila umarte. 👏👏👏 Ang ganda nung kwento na may impact talaga sa manoood. Kaya ilang beses din itong may re-run sa GMA7 at gumawa pa sila ng Pinoy version.



Cheese In The Trap

2. Cheese In The Trap

Top 2 ko ‘to. Not your typical kdrama. 👌 Nagustuhan ko yung pagka-dark ng kwento niya at funny din siya. Wala siyang boring na episode, promise! 👍 At nagustuhan ko rin ang mga characters. Importante kasi sa akin na magustuhan ang mga characters. Ang gagaling pa ng mga bida, lahat sila actually, lalo na si Baek In-ha (Lee Sung-kyung). 👏👏👏👏👏 Ang lakas din ng dating ng kwento nito sa akin eh dahil nung nalaman kong may webtoon pala ito eh binasa ko din.



Dream High


3. Dream High 1
Ang ganda nito! Kwento ng mga kabataan na nangangarap sumikat sa larangan ng pagkanta at pagsayaw. At dahil bagets sila, maiinis ka sa mga ugali nila dito. 😤😤 Hahaha! Pero ang ganda kasi nung kwento kaya hindi mo siya bibitawan. 👍👍 Ang ganda nung mga kanta nila, at yung mga performance nila lalo na yung flash mob!!! Panalo yun! 📻💃🕺 Ito yung pwede mo ulit-ulitin lalo dahil nakaka-good vibes yung pag-grow ng mga characters as an artist.



Weightlifting Fairy Kim Bok-joo


4. Weightlifting Fairy Kim Bok-joo

Sina Kim Bok-joo at Joon-hyung. 💕💕💕 *sigh* One word to describe this kdrama, NAKAKAKILIG! 😄😂 Ang lakas ng dating ng characters nina Lee Sung-kyung at Nam Joo-hyuk dito! IBA! Nakakatuwa, nakakaaliw, nakakagigil, nakakakilig. Hahaha! 😂😂🙈 Tsaka magaling sila umarte, again, lalo na si Lee Sung-kyung. I'm a fan. Medyo nakakainis lang kasi medyo bitin yung love story nila. Gugustuhin mo talaga na may book 2 pa. Pero dahil walang book 2, eh okay pa rin tong ulit-ulitin dahil hindi nakakasawa. 👌👌👌



She Was Pretty

5. She Was Pretty

Pinaka-nagustuhan ko dito ay yung mga characters dahil nasa 30s na ata sila or late 20s, kaya matured na sila halos sa lahat ng bagay. 👍👍 Kaya light lang ito, magaan panoorin, nakaka-good vibes. Pero guys, prepare for the “second lead syndrome.” 😕 Yun talaga! Pero kahit ganun, napakaganda pa rin nito, lalo na ang ending nito. SOBRA! Lahat ata ng stress ko nawala dahil doon! Haha!



Napakarami pang pwedeng panoorin na available online! Hanapin niyo lang sa Kissasian, DramaCools, Drama Fever, at marami pang iba. 😉

Oo, malapit na ako kainin ng kdrama, lalo pa ngayon na ang mga teleserye sa atin ay nakakasawa nang panoorin dahil paulit-ulit ang plot, sobrang predictable ng mga eksena at sobrang pinahabang kwento kaya ang sabaw na ng mga nangyayari. 😤😠😡 Tsaka mapapansin niyo talaga yung pagkakaiba ng storytelling sa Pinoy teleserye at Kdrama.

Kaya guys, kung sawa na kayo sa teleseryes na gawang Pinoy, alam niyo na, ito ang magandang escape! Hahaha! 🤗👋