Biyernes, Mayo 11, 2018

#ImusBalita: Japanese national, ninakawan at sinaktan


Ulat ni Patrick Jay Cope

Nahuli sa akto ang isang ginang na sinaktan at ninakawan ang isang Japanese national sa Carsadang Bago 1, Imus noong nakaraang Mayo 8.

Kinilala ang biktima na si Shizuya Hayashi, 89 na taong gulang, mula Pasay, at ang suspek na si Uswalda Borrico Conde, 49 na taong gulang, mula sa Bacoor.

Ayon kay Shizuya, isama siya ni Uswalda mula Pasay patungong Bacoor para bumisita sa bahay nito ngunit sa halip ay iniligaw lamang siya nito at ninakawan ng pera.

Ayon pa sa biktima, nang hindi ibigay ang pera sa suspek ay pinukpok siya nito ng bato sa ulo.

Nakita naman ng isang barangay tanod na si Jhonbee Baclagan, kasama ang magka-live in partner na sina Shiela Pares at Sonly Panoy, na hinihili ng suspek ang duguang biktima sa kalsada, at agad naman nilang nilapitan at inaresto ang suspek.

Dinala agad ang biktima sa Our Lady of Pillar Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek na may kasong “attempted robbery with frustrated homicide” at ipinasa na ito sa piskalya.



(Nakalap ko ang mga impormasyon noong Mayo 10, 2018 sa Imus Municipal Police Station, Gen. J Castañeda St., Poblacion 3, City of Imus)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento