Martes, Marso 26, 2013

#CONCERT ni DANIEL sa Araneta, Kasado na!




Handang-handa na ang lahat ng production numbers at surprises para sa post-birthday concert ni Daniel Padilla na gaganapin sa April 30 sa Smart-Araneta Coliseum.
Magdiriwang si Daniel ng kanyang 18th birthday sa April 26.

“Gagawin ko ang lahat para maging successful ang show,” sabi ni Daniel na ibibida ang ‘old school rock’ music sa lahat ng dadalo sa concert.

“Regalo ko ito sa fans ko. Gusto kong makabawi sa lahat ng ibinigay niyong suporta sa akin kaya mag-enjoy lang tayo sa araw na ‘yon.”

Fresh mula sa box-office success ng first movie nila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo na Must Be...Love at maging sa multi-awarded song niyang Nasa ‘Yo Na Ang Lahat sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013, todo-arangkada na siya sa concert niya na tatampukan din nina Khalil Ramos at Kathryn.

Ang Star Records ang producer ng Daniel LIVE: A Birthday Concert sa Big Dome. Mabibili ang tickets sa Ticketnet outlets at sa Smart Araneta Coliseum Box Office (Yellow Gate). Tumawag lamang sa 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.


Abante News Online :: Philippines | ENTERTAINMENT



Follow me on twitter --> @thePatrickCope

Miyerkules, Marso 20, 2013

#CONCERT: DANIEL PADILLA LIVE! A BIRTHDAY CONCERT AT THE BIG DOME

DANIEL PADILLA LIVE! A BIRTHDAY CONCERT AT THE BIG DOME!


Maging parte na sa birthday celebration ng inyong iniidolo na si Daniel Padilla sa Smart Araneta this coming April 30! Be part of his dream, be part of his concert! SAMA SAMA TAYONG MANOOD AT BATIIN SI DANIEL PADILLA SA KANYANG BIRTHDAY DAY CONCERT SA SMART ARANETA APRIL 30!



Don't you dare miss all the production numbers of Daniel Padilla in his concert! Ang pinaka-aabangan niyong kantahan, sayawan at rak-rockan, nasa concert na niya!

Gusto mo bang marinig na kantahin ni Daniel nang live ang bago niyang kanta na "Kumusta Ka?" Gusto niyo bang maging PRINSESA ni Daniel, kakantahan ka niya ng live ng "Prinsesa" sa concert niya!

Photoedited by @imalynnapadilla - Follow her on Twitter!


Gawin nating RECORD BREAKING CONCERT ang CONCERT NI DANIEL PADILLA! HUWAG NANG MAGPAHULI pa! Half na lang ang Upper Box B at 1,900 pa for General Admission! Mga 3,000 fans na lang yan! Pahuhuli ka pa ba? BUY YOUR TICKETS NOW, go to ticketnet.com.ph or CALL 911 5555. Daniel Padilla BIRTHDAY CONCERT A THE BIG DOME! SEE YOU ALL THERE!

Photo edited by Andrea Obog @andreaobog- Follow her on Twitter

Ticket Prices:
UPPER BOX B (UB) - Php 480 (free seating)
GENERAL ADMISSION (GA) - Php 265 (free seating)



Pwede rin kayong bumuli sa TicketNet outlet sa selected SM Department Store, SM Business Service Center:
SM MakatiSM Makati Bldg. Ayala Center, Brgy. San Lorenzo Village, Makati City
SM Mall of AsiaSM Mall of Asia, SM central Business Park, Bay City, Pasay City
SM Manila3F Departmet Store behind Cashier 21,SM City Manila, Concepcion cor. Arroceros and San Marcelino St. Manila City
SM MarikinaSM City Marikina, Brgy. Calumpang, Marcos Highway, Marikina City
SM MegamallSM Megamall Bldg., EDSA cor Wackwack, Mandaluyong City
SM North EDSASM North Edsa, SM City North Avenue, Pagasa 1, Quezon City
SM San LazaroSM City San Lazaro, Felix Huertas cor A.H Lacson Sts., Sta. Cruz, Manila
SM SouthmallSM Southmall Bldg., Real Street, Almanza Uno, Las Pinas
SM Sta MesaSM Centerpoint Aurora Blvd., Doña Imelda, Quezon City


Daniel Padilla Birthday Concert at Smart Araneta!




Photo credit to Rigi Bumagat


Nasa Iyo Na Ang Lahat by Daniel Padilla


Prinsesa by Daniel Padilla


Hinahanap-Hanap Kita by Daniel Padilla


Follow me on twitter --> @thePatrickCope


For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!

#WINNERs: MYX Music Awards 2013 Results




You voted and here are the results! These are this year's MYX Music Awards winners!


MYX MAGNA AWARD
Ms. Lea Salonga

FAVORITE MUSIC VIDEO
"Gayuma" - Abra feat. Thyro and Jeriko Aguilar
Directed by Abra, Cristhian Escolano and Jasper Salimbangon

FAVORITE SONG
"Sirena" - Gloc-9 feat. Ebe Dancel

FAVORITE ARTIST
Sarah Geronimo

FAVORITE FEMALE ARTIST
Yeng Constantino

FAVORITE MALE ARTIST
Christian Bautista

FAVORITE GROUP
Callalily

FAVORITE MELLOW VIDEO
"I'll Be There" - Julie Anne San Jose
Directed by Mark Reyes

FAVORITE ROCK VIDEO
"Huling Sayaw" - Kamikazee feat. Kyla
Directed by Avid Liongoren

FAVORITE URBAN VIDEO
"Gayuma" - Abra feat. Thyro and Jeriko Aguilar
Directed by Abra, Cristhian Escolano and Jasper Salimbangon

FAVORITE NEW ARTIST
Daniel Padilla

FAVORITE COLLABORATION
"Sirena" - Gloc-9 feat. Ebe Dancel

FAVORITE REMAKE
"Bakit Pa Ba" - Sarah Geronimo'

FAVORITE MEDIA SOUNDTRACK
"Moving Closer" - Never The Strangers

FAVORITE GUEST APPEARANCE IN A MUSIC VIDEO
Elmo Magalona - "I'll Be There" - Julie Anne San Jose

FAVORITE MYX CELEBRITY VJ
Julie Anne San Jose

FAVORITE MYX LIVE PERFORMANCE
Gloc-9

FAVORITE INTERNATIONAL VIDEO
"One Thing" - One Direction

FAVORITE K-POP VIDEO
"Sexy, Free & Single" - Super Junior



CONGRATULATIONS TO ALL THE WINNERS and a HUGE THANKS TO ALL WHO WATCHED FROM LUZON, VISAYAS, MINDANAO and FROM ALL OVER THE WORLD!

MYX Music Awards is a success because of your support! 

Until next year!


Watch the telecast of MYX Music Awards on MYX on cable this \
Saturday, March 23, 6:30 PM!

#AngSAMPU: SIGNS NA MAY CRUSH SAYO ANG CRUSH MO


Ito ang sampung SIGNS NA MAY CRUSH SAYO NG CRUSH MO:

1. Nagkakahiyaan kayo sa isa’t-isa
2. Sweet siya sayo kapag kayo lang dalawa
3. Lagi ka niyang inaasar o kinukulit
4. Madalas kayong magkulitan
5. Lagi ka niyang nilalapitan
6. Nababadtrip siya sayo ng walang dahilan
7. Lagi ka niyang tinatawanan
8. Laging nakikibalita kung ano ang lagay mo
9. Lagi kayong nagkakatinginan ng hindi sinasadya
10. Concern siya sayo



Follow me and tweet me kung may Crush ng sayo ang Crush mo dahil sa mga signs na ito! --> @thePatrickCope


For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!

Lunes, Marso 18, 2013

#GoSaktoKIMPOY




Don't forget to SHARE the video on FACEBOOK and TWITTER to get a chance to win a brand new SAMSUNG GALAXY S3 Mini from GLOBE! :)

"Sakto lang ba ang allowance mo sa school? Follow Kimpoy Feliciano for a walkthrough on how to make the most out of your daily budget!! :D

Create your own promo with Globe GoSakto Prepaid, a first in prepaid, a first from Globe.

Saktong sakto, pasok sa budget mo!"




Sabado, Marso 16, 2013

#SURVEY: About Daniel Padilla's Concert

KATHNIELs, especially fans ni Daniel Padilla may survey kami ni Ms. Jinky Fabelico @jinkyfab, EP sa concert ni Daniel!

Dahil ngayon palang, successful na ang concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta this coming April 30 dahil sa dami ng nakabili ng ticket para dito, pwedeng magkaroon si Daniel ng provincial tour!


SAGUTAN niyo yung #POLL ko sa gilid at SAGUTIN niyo naman yung TANONG ko sa BABA!


#SURVEY: Gusto nyo ba na ang concert ni Daniel Padilla dito sa Manila ay dalhin sa iba't-ibang cities dito sa Pilipinas? Provincial tour? ILAGAY ANG SAGOT sa COMMENT BOX ang LUGAR na gusto niyong dausan ng PROVINCIAL TOUR!


Sa mga walang Google Account, just tweet me @thepatrickcope and Ms. @jinkyfab, "We want #DanielLiveConcertProvincialTour!" Dali, baka matuloy na mag-concert si Daniel sa probinsya niyo! Tweet na! Every tweet counts. The more tweets and answer sa comment box, mas malaki ang posibilidad na matuloy ang provincial tour!


FOLLOW ME on twitter: @thePatrickCope
FOLLOW Ms. Jinky Febelico on twitter: @jinkyfab


For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!

Huwebes, Marso 14, 2013

#KathNielMUSTBELOVEmoviereview




SHOWING NA ang MUST BE LOVE in cinemas nationwide, ang first full-length movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang MUST BE LOVE ay ginawa talaga para sa fans nina Kathryn at Daniel. Marami ang nagsasabi na baka pa-tweetums lang ang movie ng KathNiel (Kathryn and Daniel) pero hindi. Malalim ang konsepto ng kwento, parang kung naguguluhan ka pagdating sa pag-ibig, dito mo malalaman ang mga sagot sa tanong mo.


Umpisa palang ng pelikula ay excitement na ang mararamdaman sa buong sinehan. At nang masilayan na sina Patchot at Ivan sa kanilang unang eksena na nagba-basketball sila, todo na ang kilig vibes. Ipinanganak talaga si Daniel Padilla para sa mga camera, at magpasalamat kayo kay Direk Dado Lumibao, dahil lahat ng shot ni Ivan sa pelikula ay perfect shot, makikita mo ang kagwapuhan. Si Kathryn Bernardo naman, kahit ang dungis niya sa pelikula, tapos pina-itim, litaw pa rin ang kanyang kagandahan. Kahit na ganun ang kulay at madungis si Patchot, para sa akin, mas maganda pa rin siya kay Angel, lalo na nung nag-transform si Patchot into a beautiful lady. 

Hindi talaga malayong magkatuluyan itong sina Daniel at Kathryn dahil bagay na bagay sila para sa isa't-isa at natural ang chemestry na hindi kaya ng acting workshop.


Una kong napansin na kasama sa cast ng Must Be Love ay si Sharlene San Pedro na best friend ni Patchot. Gusto ko siya na tinutulungan niya si Patchot kay Ivan. Napaka-kulit pero napaka-buting kaibigan. Si Hope naman ay pinsan ni Patchot, matutuwa kayo sa mangyayari sa role niya dito, naku, bawal lang ang spoilers kaya panoorin niyo na lang, ito yung isa sa dapat ABANGAN (capslock para dama mo!) sa kanya!


Tama nga na matutuwa tayo sa role ni John Lapus sa pelikula na si Tita Baby. Siya kasi ang magiging Ganda Trio ni Kathryn sa pelikula na maglalabas ng #GandangDiMoInakala! Gusto ko yung wala siya sa sarili sa simula, pero dahil sa isang contest, magbabalik ang dating siya para na rin kay Patchot.


Naniniwala ako na hindi lang pang-teen ager ang pelikulang Must Be Love. Hindi lang kasi mga kabataan ang kinikilig sa love team na KathNiel, mapa-30s ka na, 40s, 50s, o senior citizen ka pa! At hindi lang ito para sa KathNiel fans, marami rin kasi makaka-relate sa pelikulang ito! Pwede mong panoorin ito nang mag-isa ka lang, kahit wala kang kasama, kikiligin at mai-in love ka pa rin dahil marami kang katulad sa sinehan. Pero masarap din manood ng may kasama, para kung kiligin ka at hindi mo matiis, meron kang mahahampas. Naka-usap ko nga yung nabigyan ko ng ticket sa premiere night, nagkahiwalay daw sila ng upuan nung isa ko pang nabigyan ng ticket, yung kasama daw niya ay nasa harapan niya naka-upo, at kapag kinikilig daw siya, pinagsasabunutan daw niya! Hahaha!


MUST BE LOVE is a feel good movie na kung may edad ka na, mararamdaman mong teen-ager ka ulit, (base ito sa sinasabi at tweet nila). Napakarami ring #KiligMuch scenes na natural na natural sa KathNiel. May mga nakakatawang scenes na havey na havey.

Napanood ko na yung #MustBeLove noong premiere night, pero kapag napapanood ko ulit yung trailer ng MBL, parang may nagsasabi sa akin na manood ako ulit, kaya ayun, panonoorin ko talaga ulit!

Overall, MUST BE LOVE is a feel good movie, kilig, drama and relate-able movie with strong story line about family, love and teen life style.


YOU SHOULDN'T MISS THIS!!!!!










Direk Dado Lumibao

At the Red Carpet Premiere Night of MUST BE LOVE

MUST BE LOVE Official Poster


#Survey: Ano mas gusto mo, #SlowMo o #FastForward? Makakasagot nito yung mga nakapanood na! Tweet me your answer o sa comment box na lang!

Follow me on twitter: twitter.com/thePatrickCope


For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!

#KathNielMUSTBELOVEPremiereNightExperience

Nakuha ko ang aking premiere night for Must Be Love sa twitter promo ng @GandaTrio at sa @SmileForDaniel, maraming maraming salamat sa kanila at na-experience ko ang premiere night ng first full length movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Dumating ako sa SM MegaMall ng alas-dos ng tanghali para kunin na ang ticket, sa mga oras na yun ay nag-aayos pa lang ang Star Cinema para sa red carpet. At infairness sa fans nina Daniel At Kathryn, marami-rami na ring tao ang naghihintay sa mga oras na iyon. 



Pagkalipas ng apat na oras, sobrang dami na ng tao ang naghihintay kina Daniel at Kathryn, as in, sa first floor palang ng SM MegaMall marami ng naka-abang, sa may second floor naman sa tapat ng escalator, naparami na din, at lalo na sa thrid floor kung saan ang SM Cinemas, sobrang dami ng tao. Naalala ko nung premiere night ng isang pelikula noong MMFF 2012, naawa ako sa konti ng taong pumunta sa red carpet, sa sobrang konti, pwede nang magtakbuhan ang mga bata sa gitna, pero itong Must Be Love, hindi mahulugang karayom sa dami ng tao.Sabi nga ng kasama kong manonood din, KathNiel (Kathryn at Daniel) kasi ang bida kaya dinumog ng napakaraming fans. Bawat pagdating ng mga artista sa red carpet ay todo tilian. May narinig pa nga akong nagsabi, first time daw na sobrang lakas ng tilian sa SM MegaMall at ang fans lang ng KathNiel yun.



7:00 PM na at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Sa mga oras na iyon ay hindi pa din dumadating sina Kathryn at Daniel. Sa Cinema 8 ang lugar kung saan kami manonood at sponsor yun ng P&G (Procter & Gamble) para sa mga fans at nanalo sa twitter promo. May games na ginawa doon sa loob ng sinehan habang hinihintay sina Kathryn at Daniel.




8:30 PM na nang dumating at pumasok sina Kathryn at Daniel with Direk Dado Lumibao sa Cinema 8. Nang nasa loob na sila, hindi magkamayaw ang mga fans, nagsitilian at nagsilapitan sa stage kung saan bumati at nagpasalamat sina Kathryn at Daniel sa amin. Pagkatapos ay lumabas na sila sa may fire exit papuntang Cinema 7 kung saan nandun lahat ang mga artista, big bosses, ABS-CBN at Star Cinema Management at ilang maseswerteng fans. Doon na nagsimulang ang aming panonood ng Must Be Love.


Pagkatapos ng palabas, umuwi kaming naka-ngiti, masaya at good vibes.



Follow me on Twitter: twitter.com/thePatrickCope

For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!