Dumating ako sa SM MegaMall ng alas-dos ng tanghali para kunin na ang ticket, sa mga oras na yun ay nag-aayos pa lang ang Star Cinema para sa red carpet. At infairness sa fans nina Daniel At Kathryn, marami-rami na ring tao ang naghihintay sa mga oras na iyon.
Pagkalipas ng apat na oras, sobrang dami na ng tao ang naghihintay kina Daniel at Kathryn, as in, sa first floor palang ng SM MegaMall marami ng naka-abang, sa may second floor naman sa tapat ng escalator, naparami na din, at lalo na sa thrid floor kung saan ang SM Cinemas, sobrang dami ng tao. Naalala ko nung premiere night ng isang pelikula noong MMFF 2012, naawa ako sa konti ng taong pumunta sa red carpet, sa sobrang konti, pwede nang magtakbuhan ang mga bata sa gitna, pero itong Must Be Love, hindi mahulugang karayom sa dami ng tao.Sabi nga ng kasama kong manonood din, KathNiel (Kathryn at Daniel) kasi ang bida kaya dinumog ng napakaraming fans. Bawat pagdating ng mga artista sa red carpet ay todo tilian. May narinig pa nga akong nagsabi, first time daw na sobrang lakas ng tilian sa SM MegaMall at ang fans lang ng KathNiel yun.
7:00 PM na at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Sa mga oras na iyon ay hindi pa din dumadating sina Kathryn at Daniel. Sa Cinema 8 ang lugar kung saan kami manonood at sponsor yun ng P&G (Procter & Gamble) para sa mga fans at nanalo sa twitter promo. May games na ginawa doon sa loob ng sinehan habang hinihintay sina Kathryn at Daniel.
8:30 PM na nang dumating at pumasok sina Kathryn at Daniel with Direk Dado Lumibao sa Cinema 8. Nang nasa loob na sila, hindi magkamayaw ang mga fans, nagsitilian at nagsilapitan sa stage kung saan bumati at nagpasalamat sina Kathryn at Daniel sa amin. Pagkatapos ay lumabas na sila sa may fire exit papuntang Cinema 7 kung saan nandun lahat ang mga artista, big bosses, ABS-CBN at Star Cinema Management at ilang maseswerteng fans. Doon na nagsimulang ang aming panonood ng Must Be Love.
Pagkatapos ng palabas, umuwi kaming naka-ngiti, masaya at good vibes.
Follow me on Twitter: twitter.com/thePatrickCope
For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!
Follow me on Twitter: twitter.com/thePatrickCope
For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!
Nice One! Full-Movie yung nkita niyo? :)) Kakainggit!
TumugonBurahinOo. Ang dami kayang namigay ng premiere night tickets, naka-apat nga ako!
Burahin