Huwebes, Marso 14, 2013

#KathNielMUSTBELOVEmoviereview




SHOWING NA ang MUST BE LOVE in cinemas nationwide, ang first full-length movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang MUST BE LOVE ay ginawa talaga para sa fans nina Kathryn at Daniel. Marami ang nagsasabi na baka pa-tweetums lang ang movie ng KathNiel (Kathryn and Daniel) pero hindi. Malalim ang konsepto ng kwento, parang kung naguguluhan ka pagdating sa pag-ibig, dito mo malalaman ang mga sagot sa tanong mo.


Umpisa palang ng pelikula ay excitement na ang mararamdaman sa buong sinehan. At nang masilayan na sina Patchot at Ivan sa kanilang unang eksena na nagba-basketball sila, todo na ang kilig vibes. Ipinanganak talaga si Daniel Padilla para sa mga camera, at magpasalamat kayo kay Direk Dado Lumibao, dahil lahat ng shot ni Ivan sa pelikula ay perfect shot, makikita mo ang kagwapuhan. Si Kathryn Bernardo naman, kahit ang dungis niya sa pelikula, tapos pina-itim, litaw pa rin ang kanyang kagandahan. Kahit na ganun ang kulay at madungis si Patchot, para sa akin, mas maganda pa rin siya kay Angel, lalo na nung nag-transform si Patchot into a beautiful lady. 

Hindi talaga malayong magkatuluyan itong sina Daniel at Kathryn dahil bagay na bagay sila para sa isa't-isa at natural ang chemestry na hindi kaya ng acting workshop.


Una kong napansin na kasama sa cast ng Must Be Love ay si Sharlene San Pedro na best friend ni Patchot. Gusto ko siya na tinutulungan niya si Patchot kay Ivan. Napaka-kulit pero napaka-buting kaibigan. Si Hope naman ay pinsan ni Patchot, matutuwa kayo sa mangyayari sa role niya dito, naku, bawal lang ang spoilers kaya panoorin niyo na lang, ito yung isa sa dapat ABANGAN (capslock para dama mo!) sa kanya!


Tama nga na matutuwa tayo sa role ni John Lapus sa pelikula na si Tita Baby. Siya kasi ang magiging Ganda Trio ni Kathryn sa pelikula na maglalabas ng #GandangDiMoInakala! Gusto ko yung wala siya sa sarili sa simula, pero dahil sa isang contest, magbabalik ang dating siya para na rin kay Patchot.


Naniniwala ako na hindi lang pang-teen ager ang pelikulang Must Be Love. Hindi lang kasi mga kabataan ang kinikilig sa love team na KathNiel, mapa-30s ka na, 40s, 50s, o senior citizen ka pa! At hindi lang ito para sa KathNiel fans, marami rin kasi makaka-relate sa pelikulang ito! Pwede mong panoorin ito nang mag-isa ka lang, kahit wala kang kasama, kikiligin at mai-in love ka pa rin dahil marami kang katulad sa sinehan. Pero masarap din manood ng may kasama, para kung kiligin ka at hindi mo matiis, meron kang mahahampas. Naka-usap ko nga yung nabigyan ko ng ticket sa premiere night, nagkahiwalay daw sila ng upuan nung isa ko pang nabigyan ng ticket, yung kasama daw niya ay nasa harapan niya naka-upo, at kapag kinikilig daw siya, pinagsasabunutan daw niya! Hahaha!


MUST BE LOVE is a feel good movie na kung may edad ka na, mararamdaman mong teen-ager ka ulit, (base ito sa sinasabi at tweet nila). Napakarami ring #KiligMuch scenes na natural na natural sa KathNiel. May mga nakakatawang scenes na havey na havey.

Napanood ko na yung #MustBeLove noong premiere night, pero kapag napapanood ko ulit yung trailer ng MBL, parang may nagsasabi sa akin na manood ako ulit, kaya ayun, panonoorin ko talaga ulit!

Overall, MUST BE LOVE is a feel good movie, kilig, drama and relate-able movie with strong story line about family, love and teen life style.


YOU SHOULDN'T MISS THIS!!!!!










Direk Dado Lumibao

At the Red Carpet Premiere Night of MUST BE LOVE

MUST BE LOVE Official Poster


#Survey: Ano mas gusto mo, #SlowMo o #FastForward? Makakasagot nito yung mga nakapanood na! Tweet me your answer o sa comment box na lang!

Follow me on twitter: twitter.com/thePatrickCope


For events and ads, just contact me at pjaycope@gmail.com. Thanks for reading my blog!

6 (na) komento:

  1. #FastForward :D kc solid hahaha!i really love the #FastForward of ivan ganda ng movie sarap ulit panuorin di nakakasawa :) bugbog nga inabot ng bff ko sken nung nanuod kami kahapon hahahaha!solid talaga :)

    TumugonBurahin
  2. fast forward...bumibilis ang takbo ng oras. nakikita daw ang future..to grow old with you ang arrive. pag nakita mo na yun,MBL. must be love

    TumugonBurahin
  3. fast forward... we only live once so kung pwede fast forward lahat go lang as long as we are responsible enough to take the risk and consequences of our actions db.... must be love is not just a feel good movie but it opens us to the reality that having a broken family does not mean you are incomplete-acceptance is a key factor,like how ivan and patchot manifested it in the movie, transformation is good especially if it will boost you confidence and makes you more of who you trully are in the inside, and love is seeing yourself with that person in the future kaya fast forward. watch MBL everyone... a story that everyone can relate too....

    TumugonBurahin
  4. tama'i love d fast forward moment ni Ivan he said to Patchot'i love u..waaah,kilig na kilig aq xa sinehan..lol..ako lang mag isa nanood dahil gsto ko mg focus..hehe,im a kathniel fan here in bohol i hope one day mkapunta xa dito,godbless kathniel..long live!!!

    TumugonBurahin
  5. gwapo xa fast forward n wedding moment at yung xa last partna nka toxedo xa..hahaha'super kilig i really shouted xa sinehan kahit mag isa ako d nman hlata na ako lang kasi mrami nanuod..hehe

    TumugonBurahin