Martes, Abril 9, 2013

MOSH PIT for DANIEL PADILLA CONCERT



MOSH PIT IS THE BEST SLOT FOR DANIEL PADILLA's CONCERT!!! May 29 slots na lang ang natitira sa Mosh Pit!!!

Moshing, also known early on as "slamdancing", is a style of dance whose participants push or slam into each other, usually while moving in circle. It is most associated with "aggressive" music genres, such as hardcore punk, rock and heavy metal. It is primarily done to live music, although it can be done to recorded music. Courtesy of Wikipedia

Mosh Pit - An area in front of a concert stage in which audience members mosh.
Slang. an area usually in front of a stage where people mosh at rock concerts. Courtesy of The Free Dictionary


Kung magse-search kayo ng mga pictures tungkol sa Mosh Pit, ito ang lalabas. IMAGINE, sa sobrang taas ng energy ni DANIEL PADILLA, mapatalon siya sa inyo! Mas rakrakan, mas masaya, mas party-party at mas malapit kay DANIEL PADILLA.




The price of Mosh Pit is 3180 Pesos. PWEDE NA KAYONG BUMILI NG MOSH PIT SA ARANETA TICKETNET BOOTH LANG, SA MAY YELLOW GATE!!!


BUT WAIT, THERE'S MORE!!! Meron ding bagong bukas na slot, Upper Box A SRO (Standing Room Only), the price is 585 Pesos if you check it to TicketNet.

Ito ang mga prices ng ticket para sa concert ni Daniel Padiila sa TicketNet website.



_______________________________________________________________


Maging parte na sa birthday celebration ng inyong iniidolo na si Daniel Padilla sa Smart Araneta this coming April 30! Be part of his dream, be part of his concert! SAMA SAMA TAYONG MANOOD AT BATIIN SI DANIEL PADILLA SA KANYANG BIRTHDAY DAY CONCERT SA SMART ARANETA APRIL 30!


Don't you dare miss all the production numbers of Daniel Padilla in his concert! Ang pinaka-aabangan niyong kantahan at rak-rockan, nasa concert na niya!




Gawin nating RECORD BREAKING CONCERT ang CONCERT NI DANIEL PADILLA! HUWAG NANG MAGPAHULI pa! Marami pang tickets na natitira! Pahuhuli ka pa ba? 


BUY YOUR TICKETS NOW, go to ticketnet.com.ph or CALL 911 5555. Daniel Padilla BIRTHDAY CONCERT A THE BIG DOME! SEE YOU ALL THERE!



Pwede rin kayong bumuli sa TicketNet outlet sa selected SM Department Store, SM Business Service Center:
SM MakatiSM Makati Bldg. Ayala Center, Brgy. San Lorenzo Village, Makati City
SM Mall of AsiaSM Mall of Asia, SM central Business Park, Bay City, Pasay City
SM Manila3F Departmet Store behind Cashier 21,SM City Manila, Concepcion cor. Arroceros and San Marcelino St. Manila City
SM MarikinaSM City Marikina, Brgy. Calumpang, Marcos Highway, Marikina City
SM MegamallSM Megamall Bldg., EDSA cor Wackwack, Mandaluyong City
SM North EDSASM North Edsa, SM City North Avenue, Pagasa 1, Quezon City
SM San LazaroSM City San Lazaro, Felix Huertas cor A.H Lacson Sts., Sta. Cruz, Manila
SM SouthmallSM Southmall Bldg., Real Street, Almanza Uno, Las Pinas
SM Sta MesaSM Centerpoint Aurora Blvd., Doña Imelda, Quezon City




Follow me on twitter: @thePatrickCope

Sabado, Abril 6, 2013

#BalitangKATHNIEL: Kathryn, abot-langit ang ngiti sa regalo ni Daniel


SA Abril 26 ang 18th birthday ni Daniel Padilla, pero wala raw siyang plano dahil mas inaasikaso niya ang kanyang birthday concert sa Araneta Coliseum sa Abril 30.

Sabi ng Kapamilya teen heartthrob nang matsika namin siya sa presscon nila ni Richard Yap (aka Sir Chief) para sa ineendorso nilang Amigo Segurado spaghetti & macaroni, marami siyang kailangang gawin bago ang araw ng kanyang concert tulad ng rehearsals.

Kailangan niya ring maghanda at magkon­disyon kaya malamang sa Mayo na siya mag­celebrate ng kanyang kaarawan.

Masaya na si Daniel sa nasabing concert dahil ang b-day niya ay hindi lang para sa kanya kundi lahat ng tao ay mag-e-enjoy.

Kung meron man siyang wish on his b-day, ‘yun ay ang mabigyan ng bahay ang kanyang ­ermats (Karla Estrada).

Ani Daniel, hindi pa siya ganu’n kasaya dahil kailangan niya pang bilhin ‘yung bahay na ‘yon. Sa QC lang ‘yon kung sakali dahil ayaw niyang lumayo pa.

***
Maaliwalas ang itsura ni Daniel sa Amigo Segurado presscon kaya binati siya ng mga kaharap na press na mukha siyang masaya at hindi mukhang maiinit ang ulo niya.

“Wala naman sigurong dahilan para maging malungkot. Kung meron man, hindi naman kailanganggawing big deal para mas maging malungkot.

“Kasi, para saan ba ang problema? Wala namang naidudulot na tama ‘yan, ‘di ba?”

Aminado ang bagets na dati ay mainitin ang ulo niya, pero ngayon ay hindi na masyado.

“Wala na, parang nag-evolve na akong maging chill na tao, eh. Relaks na lang ako. Kahit anong mangyari, relaks lang.
“Kahit anong problema, relaks ka lang. Lahat ng problema, may solusyon.”

Ano ba ‘yung pinakamatinding intriga na pinagdaanan niya so far?
“Wala, walang intrigang tutumba sa akin. Ako ang tutumba sa intriga,” ang very Padilla’ng sagot ni Daniel.

***
Nag-17th birthday si Kathryn Bernardo nu’ng Marso 26. Anong binigay ni Daniel na birthday gift kay Kath?

“Eh ‘yung gusto niya, ‘yun ang binigay natin,” nakangiting sagot ng binata.
Nu’ng una ay ayaw pang sabihin ni Daniel kung ano ‘yon, basta napasaya niya raw nang husto ang dalaga.

“Kitang-kita ko sa mukha ni Kathryn, abot-langit ‘yung ngiti, eh!”
Hirit namin kay ­Daniel, sabihin na niya kung ano ‘yon dahil baka kung ano pang isipin namin na nagpangiti kay Kathryn hanggang langit.

“Bag, bag ‘yung binigay ko. Basta, yellow bag!”

Hermes bag?

“Hindi, hindi.”

Louis Vuitton?

“Oo. Pagkatapos nga nu’n, ‘yun yata ‘yung medyo problema na sumakit ang ulo ko (dahil sa mahal ng presyo ng bag),” natatawang pakli niya.

Ang galante niya pala, huh!

“Hindi, kasi siyempre, minsan lang naman mag-birthday. At ‘yung regalo kong ‘yon, pambuong buhay na niya ‘yon. Hindi, loko lang. Ha! Ha! Ha!”

Ang ermats niya ang bumili ng nasabing bag, sinabi lang niya rito kung ano ‘yung gusto niya, tapos ay ito na ang bumili for Kath.

Ano naman ang gusto niyang iregalo sa kanya ni Kath sa b-day niya?

“Wala na, okey na ako. Hindi na kailangan ng regalo, masaya na ako sa nangyayari sa ngayon.”

Ano bang puwedeng ibigay sa kanya ni Kathryn na magiging abot-langit din ang ngiti niya?

“Ayoko nang magsabi. Bahala na siya kung anong gusto niyang ibigay.”

Ano ba ‘yung puwedeng gawin ni Kath para umabot din sa langit ang ngiti niya?

Natawa si Daniel sa may pagkapilyong tanong namin. Tapos ay humirit siya ng, “Basta, siya na ang bahala. Okey lang ako kahit na ako. Kahit wala.”

***
Lumalabas ang pagkamainitin ni Daniel kapag nanay na niya ang tinitira.
Kita sa bagets na naiinis siya sa mga namba-bash sa kanyang inang si Karla Estrada sa Twitter.

Nakapagdayalog tuloy ang binata na gugulpihin niya ang mga nambabastos sa ermats niya.

“Kasi, ‘yung nanay ko, dinadamay na. Pati nanay ni Kathryn, pati si Kathryn. Mali ‘yon.

“Basta, sobrang foul ‘yung sinabi sa ermats ko sa Twitter. Doon lang naman puwede, eh. Hindi naman nila kayang sabihin sa harap namin, ‘di ba?” iritado niyang bulalas.

Sey ni Daniel, wala silang balak magdemanda, basta huwag lang magpapakita sa kanya ang mga ito.

Sabihin na raw ang gustong sabihin, pero sana ay sabihin sa harap niya, huwag kung saan-saan. Gusto niyang sabihin mismo sa kanya ‘pag nagkita sila ng mga nanininira na ‘yon.

Anong gagawin niya pag sinabi ‘yon nang harapan sa kanya?

“Tingnan natin kung anong mangyayari!”

Bayolente ba siyang tao?

“Hindi, hindi, loko lang. Dadaanin ko lang sa matinding usap.”

Aminado si Daniel na nasasaktan siya na tini­tira ang mga babaeng mahal niya.

“Mali, eh. Hindi naman ako ‘yung masama, eh. Sila ‘yung nagkakaroon ng kasalanan. Sila ‘yung nagiging bastos ang ugali, ‘di ba?

“Sobrang bastos lang kasi. Isipin n’yo, ilang taon ka lang, binabastos mo ‘yung magulang ng isang tao?

Pati magulang ko, binabastos. Pati si Kathryn. Ano ba namang klaseng tao ka?

“Pero I don’t care. Sa lahat ng mga nagmamahal sa akin, eh mas mahal ko kayo. Sa mga ayaw sa akin, mas ayaw ko sa inyo. Abot-langit na ayoko sa inyo!”

Sabi ni bagets, mga papansin lang at pam-badtrip ‘yung mga ­basher na ‘yon. Hindi naman daw siya naba-bad trip. Natatawa pa siya ‘pag binabasa niya ang mga ‘yon.

Pero dahil nanay na niya ang binabastos, na­tural lang na maapektuhan siya.

Meron pa raw ibang lalaking haters na nagsasabing bading siya.

“Ako pa ba? Wow, ah?! Anak ng chokwa naman, oh!” kibit-balikat na dayalog ni Daniel.

Wala naman siyang galit sa mga bading, ‘di ba? Friendly siya sa gays, ‘di ba?

“Oo naman. Lumaki ako sa mga bading. Alam n’yo naman ‘yung nanay ko, bading ‘yun, eh!”

Minsan pala, sa tindi ng panggigigil ng mga babae kay Daniel ay ninanakawan siya ng halik ng mga ito. Hindi lang sa pisngi kundi sa lips mismo.
Naiinis ba siya ‘pag may mga babaeng nananantsing sa kanya?

“Okey lang, basta babae. Wala tayong magagawa, eh.”

Eh, kung bading?

“‘Yun na! Iba na ‘yon, ‘di ba? Bad trip ‘yon!”

Eh, kung nagpaalam naman sa kanya ‘yung bading?

“Kung nagpaalam… hindi rin puwede. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Daniel.






Courtesy of this blog post: Abante-Tonite Online | Showbiz


Follow me on twitter: @thePatrickCope

Huwebes, Abril 4, 2013

#SUMMER: Summer Staion ID ng ABS-CBN with KathNiel and many more.





Balikan ang inyong mga alaala sa mga nagdaang summer sa pinakabago at naiibang summer station ID ng ABS-CBN na mapapanood na ngayong Linggo (April 7) sa “ASAP 18.”



Pinamagatang “Kwento ng Summer Natin,” isasalaysay ng inaabangang 2013 summer station ID ng Kapamilya Network ang kwento ng summer ng bawat Pilipino at pupukawin ang mga alaala ng kanilang kahapon sa pagsasabuhay ng mahigit 100 Kapamilya stars sa pinakasikat na mga programa sa telebisyon sa nakaraang 60 taon nito.



Mag-time travel kasama sina Piolo Pascual at Bea Alonzo na nakatodo-gayak na pang-50s na sasabayan pa ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga.






Babalik naman sa 60s sina Enchong Dee at Maja Salvador at hahataw sa dance floor tulad ng paghatawa ng iconic tandem ng The Nida and Nestor Show.






Samantala, bibigyang pugay naman nina Angeline Quinto, Sam Milby, at Paulo Avelino ang D’ Sensations ng 70s kung saan kinilig ang manonood sa tambalang Vilma-Bot at Nora-Pip.






Para naman sariwain ang 80s ay magpapasabog si Pokwang suot ang sikat na tangga ala Alma Moreno ng LoveliNess habang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes namana ay muling magtatambal para  gayahin ang iconic 80s duo ng Tonight with Dick and Carmi.






Ang mga sexy chicks ng “Its’s Showtime” na sina  Anne Curtis, Karylle, at Coleen Garcia ay mag-sunbathe ala Chika Chika Chicks. Sasamahan din sila ng makukulit na tagamasid na sina Jhong Hilario, Jugs, Teddy, at Kim Atienza.



Muling papasukin ni John Lloyd Cruz ang 90s at babalikan ang kanyang Tabing Ilog days kasama ang isang panibagong babae sa tabi niya.






Gagawin namang muli ni Angelica Panganiban, kasama ang mga Goin Bulilit kids ang tumatak na “Esmyuskee” skit ng Ang TV.






Hindi naman pahuhuli ang sikat ngayong 2000s. Mamarkahan iyan ng mainit na love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pagganap bilang Yna at Angelo ng Pangako Sa’yo.






Magtatampisaw naman sa tubig suot ang kanilang lifeguard uniforms sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, at Angel Locsin para sariwain ang Baywatch na noon ay isa sa US syndicated programs na umeere sa ABS-CBN.





Ang pinakaunang Asianovela na pumatok sa bansa, ang Meteor Garden, ay muling magbabalik sa katauhan nina Kim Chiu at Xian Lim na gaganap bilang sina San Chai at Dao Ming Su, habang ang isa sa pinakamatagumpay na telenovela, ang Maria Mercedes, ay muling masasaksihan ngayong 2013 sa pagganap ni Jessy Mendiola sa papel na unang pinasikat ng Mexican star na si Thalia.



Hindi lamang sa telebisyon gumawa ng marka sa Pinoy pop culture ang ABS-CBN kung hindi sa musika rin. Muling gumiling sa old dance hits na “Otso Otso,”“Katawan” (theme song ng Palibhasa Lalake) at “Pinoy Ako.”




Sa unang pagkakataon, ang ABS-CBN station ID ay kakawala sa nakasanayang music video dahil eeksena ngayong taon ang sikat na mga katagang napauso ng network tulad ng “Hoy, gising!”, “Handa na ba kayo?” at “I-Dawn Zulueta mo ako.”





Ang “Kwento ng Summer Natin” theme song ay inawit nina Sam Milby at Angeline Quinto sa titik nina Lloyd Corpuz, Mike Sales, Tess Perez-Mendoza at musika nina Marcus at Amber Davis.

Ang 2012 Summer Station ID ay nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pangunguna nina Robert Labayen, Johnny Delos Santos, Patrick de Leon at Ira Zabat. Ang SID production team ay pinamahalaan nina Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Danie Sedilla-Cruz at Dang Baldonado. Ito ay base sa konsepto nina Adrian C. Lim, Christine Joy Laxamana, Chiz Constantino-Perez, Lloyd Corpus, Alfie Landayan, Raywin Tome, Rap dela Rea, Marileth Abejero at Karlo Victoriano. It ay idinerehe ni Paolo Ramos kasama ang 2nd Unit Director na si Peewee Gonzales. Kasama rin sa team sina Jaime Porca, Technical Production Head; Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Oliver Paler, Alfie Landayan, Lawrence Macanaya at Karlo Victoriano, Post Production Team; Roger Villon, Logo Design; Con Ignacio, Editor; Darwin Duenas, Production Coordinator; Sam Esquillon, Production Designer; Nesh Janiola and Kristine A. Tan, Choreographers; Chiz Constantino-Perez, Artist Coordinator; Mary Ann Rejano, Talent Caster; Marvin Bragas, Location Manager; Marileth Abejero, Aileen Gooco, Photographers.


This blog post is credit to www.abscbn.pr.com
More photos of ABS-CBN SID: http://networkedblogs.com/JWzPy and http://push.abs-cbn.com

Follow me on twitter: @thePatrickCope