Sabado, Abril 6, 2013

#BalitangKATHNIEL: Kathryn, abot-langit ang ngiti sa regalo ni Daniel


SA Abril 26 ang 18th birthday ni Daniel Padilla, pero wala raw siyang plano dahil mas inaasikaso niya ang kanyang birthday concert sa Araneta Coliseum sa Abril 30.

Sabi ng Kapamilya teen heartthrob nang matsika namin siya sa presscon nila ni Richard Yap (aka Sir Chief) para sa ineendorso nilang Amigo Segurado spaghetti & macaroni, marami siyang kailangang gawin bago ang araw ng kanyang concert tulad ng rehearsals.

Kailangan niya ring maghanda at magkon­disyon kaya malamang sa Mayo na siya mag­celebrate ng kanyang kaarawan.

Masaya na si Daniel sa nasabing concert dahil ang b-day niya ay hindi lang para sa kanya kundi lahat ng tao ay mag-e-enjoy.

Kung meron man siyang wish on his b-day, ‘yun ay ang mabigyan ng bahay ang kanyang ­ermats (Karla Estrada).

Ani Daniel, hindi pa siya ganu’n kasaya dahil kailangan niya pang bilhin ‘yung bahay na ‘yon. Sa QC lang ‘yon kung sakali dahil ayaw niyang lumayo pa.

***
Maaliwalas ang itsura ni Daniel sa Amigo Segurado presscon kaya binati siya ng mga kaharap na press na mukha siyang masaya at hindi mukhang maiinit ang ulo niya.

“Wala naman sigurong dahilan para maging malungkot. Kung meron man, hindi naman kailanganggawing big deal para mas maging malungkot.

“Kasi, para saan ba ang problema? Wala namang naidudulot na tama ‘yan, ‘di ba?”

Aminado ang bagets na dati ay mainitin ang ulo niya, pero ngayon ay hindi na masyado.

“Wala na, parang nag-evolve na akong maging chill na tao, eh. Relaks na lang ako. Kahit anong mangyari, relaks lang.
“Kahit anong problema, relaks ka lang. Lahat ng problema, may solusyon.”

Ano ba ‘yung pinakamatinding intriga na pinagdaanan niya so far?
“Wala, walang intrigang tutumba sa akin. Ako ang tutumba sa intriga,” ang very Padilla’ng sagot ni Daniel.

***
Nag-17th birthday si Kathryn Bernardo nu’ng Marso 26. Anong binigay ni Daniel na birthday gift kay Kath?

“Eh ‘yung gusto niya, ‘yun ang binigay natin,” nakangiting sagot ng binata.
Nu’ng una ay ayaw pang sabihin ni Daniel kung ano ‘yon, basta napasaya niya raw nang husto ang dalaga.

“Kitang-kita ko sa mukha ni Kathryn, abot-langit ‘yung ngiti, eh!”
Hirit namin kay ­Daniel, sabihin na niya kung ano ‘yon dahil baka kung ano pang isipin namin na nagpangiti kay Kathryn hanggang langit.

“Bag, bag ‘yung binigay ko. Basta, yellow bag!”

Hermes bag?

“Hindi, hindi.”

Louis Vuitton?

“Oo. Pagkatapos nga nu’n, ‘yun yata ‘yung medyo problema na sumakit ang ulo ko (dahil sa mahal ng presyo ng bag),” natatawang pakli niya.

Ang galante niya pala, huh!

“Hindi, kasi siyempre, minsan lang naman mag-birthday. At ‘yung regalo kong ‘yon, pambuong buhay na niya ‘yon. Hindi, loko lang. Ha! Ha! Ha!”

Ang ermats niya ang bumili ng nasabing bag, sinabi lang niya rito kung ano ‘yung gusto niya, tapos ay ito na ang bumili for Kath.

Ano naman ang gusto niyang iregalo sa kanya ni Kath sa b-day niya?

“Wala na, okey na ako. Hindi na kailangan ng regalo, masaya na ako sa nangyayari sa ngayon.”

Ano bang puwedeng ibigay sa kanya ni Kathryn na magiging abot-langit din ang ngiti niya?

“Ayoko nang magsabi. Bahala na siya kung anong gusto niyang ibigay.”

Ano ba ‘yung puwedeng gawin ni Kath para umabot din sa langit ang ngiti niya?

Natawa si Daniel sa may pagkapilyong tanong namin. Tapos ay humirit siya ng, “Basta, siya na ang bahala. Okey lang ako kahit na ako. Kahit wala.”

***
Lumalabas ang pagkamainitin ni Daniel kapag nanay na niya ang tinitira.
Kita sa bagets na naiinis siya sa mga namba-bash sa kanyang inang si Karla Estrada sa Twitter.

Nakapagdayalog tuloy ang binata na gugulpihin niya ang mga nambabastos sa ermats niya.

“Kasi, ‘yung nanay ko, dinadamay na. Pati nanay ni Kathryn, pati si Kathryn. Mali ‘yon.

“Basta, sobrang foul ‘yung sinabi sa ermats ko sa Twitter. Doon lang naman puwede, eh. Hindi naman nila kayang sabihin sa harap namin, ‘di ba?” iritado niyang bulalas.

Sey ni Daniel, wala silang balak magdemanda, basta huwag lang magpapakita sa kanya ang mga ito.

Sabihin na raw ang gustong sabihin, pero sana ay sabihin sa harap niya, huwag kung saan-saan. Gusto niyang sabihin mismo sa kanya ‘pag nagkita sila ng mga nanininira na ‘yon.

Anong gagawin niya pag sinabi ‘yon nang harapan sa kanya?

“Tingnan natin kung anong mangyayari!”

Bayolente ba siyang tao?

“Hindi, hindi, loko lang. Dadaanin ko lang sa matinding usap.”

Aminado si Daniel na nasasaktan siya na tini­tira ang mga babaeng mahal niya.

“Mali, eh. Hindi naman ako ‘yung masama, eh. Sila ‘yung nagkakaroon ng kasalanan. Sila ‘yung nagiging bastos ang ugali, ‘di ba?

“Sobrang bastos lang kasi. Isipin n’yo, ilang taon ka lang, binabastos mo ‘yung magulang ng isang tao?

Pati magulang ko, binabastos. Pati si Kathryn. Ano ba namang klaseng tao ka?

“Pero I don’t care. Sa lahat ng mga nagmamahal sa akin, eh mas mahal ko kayo. Sa mga ayaw sa akin, mas ayaw ko sa inyo. Abot-langit na ayoko sa inyo!”

Sabi ni bagets, mga papansin lang at pam-badtrip ‘yung mga ­basher na ‘yon. Hindi naman daw siya naba-bad trip. Natatawa pa siya ‘pag binabasa niya ang mga ‘yon.

Pero dahil nanay na niya ang binabastos, na­tural lang na maapektuhan siya.

Meron pa raw ibang lalaking haters na nagsasabing bading siya.

“Ako pa ba? Wow, ah?! Anak ng chokwa naman, oh!” kibit-balikat na dayalog ni Daniel.

Wala naman siyang galit sa mga bading, ‘di ba? Friendly siya sa gays, ‘di ba?

“Oo naman. Lumaki ako sa mga bading. Alam n’yo naman ‘yung nanay ko, bading ‘yun, eh!”

Minsan pala, sa tindi ng panggigigil ng mga babae kay Daniel ay ninanakawan siya ng halik ng mga ito. Hindi lang sa pisngi kundi sa lips mismo.
Naiinis ba siya ‘pag may mga babaeng nananantsing sa kanya?

“Okey lang, basta babae. Wala tayong magagawa, eh.”

Eh, kung bading?

“‘Yun na! Iba na ‘yon, ‘di ba? Bad trip ‘yon!”

Eh, kung nagpaalam naman sa kanya ‘yung bading?

“Kung nagpaalam… hindi rin puwede. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Daniel.






Courtesy of this blog post: Abante-Tonite Online | Showbiz


Follow me on twitter: @thePatrickCope

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento