Balikan ang inyong mga alaala sa mga nagdaang summer sa pinakabago at naiibang summer station ID ng ABS-CBN na mapapanood na ngayong Linggo (April 7) sa “ASAP 18.”
Pinamagatang “Kwento ng Summer Natin,” isasalaysay ng inaabangang 2013 summer station ID ng Kapamilya Network ang kwento ng summer ng bawat Pilipino at pupukawin ang mga alaala ng kanilang kahapon sa pagsasabuhay ng mahigit 100 Kapamilya stars sa pinakasikat na mga programa sa telebisyon sa nakaraang 60 taon nito.
Mag-time travel kasama sina Piolo Pascual at Bea Alonzo na nakatodo-gayak na pang-50s na sasabayan pa ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga.
Babalik naman sa 60s sina Enchong Dee at Maja Salvador at hahataw sa dance floor tulad ng paghatawa ng iconic tandem ng The Nida and Nestor Show.
Samantala, bibigyang pugay naman nina Angeline Quinto, Sam Milby, at Paulo Avelino ang D’ Sensations ng 70s kung saan kinilig ang manonood sa tambalang Vilma-Bot at Nora-Pip.
Para naman sariwain ang 80s ay magpapasabog si Pokwang suot ang sikat na tangga ala Alma Moreno ng LoveliNess habang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes namana ay muling magtatambal para gayahin ang iconic 80s duo ng Tonight with Dick and Carmi.
Ang mga sexy chicks ng “Its’s Showtime” na sina Anne Curtis, Karylle, at Coleen Garcia ay mag-sunbathe ala Chika Chika Chicks. Sasamahan din sila ng makukulit na tagamasid na sina Jhong Hilario, Jugs, Teddy, at Kim Atienza.
Muling papasukin ni John Lloyd Cruz ang 90s at babalikan ang kanyang Tabing Ilog days kasama ang isang panibagong babae sa tabi niya.
Gagawin namang muli ni Angelica Panganiban, kasama ang mga Goin Bulilit kids ang tumatak na “Esmyuskee” skit ng Ang TV.
Hindi naman pahuhuli ang sikat ngayong 2000s. Mamarkahan iyan ng mainit na love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pagganap bilang Yna at Angelo ng Pangako Sa’yo.
Magtatampisaw naman sa tubig suot ang kanilang lifeguard uniforms sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, at Angel Locsin para sariwain ang Baywatch na noon ay isa sa US syndicated programs na umeere sa ABS-CBN.
Ang pinakaunang Asianovela na pumatok sa bansa, ang Meteor Garden, ay muling magbabalik sa katauhan nina Kim Chiu at Xian Lim na gaganap bilang sina San Chai at Dao Ming Su, habang ang isa sa pinakamatagumpay na telenovela, ang Maria Mercedes, ay muling masasaksihan ngayong 2013 sa pagganap ni Jessy Mendiola sa papel na unang pinasikat ng Mexican star na si Thalia.
Hindi lamang sa telebisyon gumawa ng marka sa Pinoy pop culture ang ABS-CBN kung hindi sa musika rin. Muling gumiling sa old dance hits na “Otso Otso,”“Katawan” (theme song ng Palibhasa Lalake) at “Pinoy Ako.”
Sa unang pagkakataon, ang ABS-CBN station ID ay kakawala sa nakasanayang music video dahil eeksena ngayong taon ang sikat na mga katagang napauso ng network tulad ng “Hoy, gising!”, “Handa na ba kayo?” at “I-Dawn Zulueta mo ako.”
Ang “Kwento ng Summer Natin” theme song ay inawit nina Sam Milby at Angeline Quinto sa titik nina Lloyd Corpuz, Mike Sales, Tess Perez-Mendoza at musika nina Marcus at Amber Davis.
Ang 2012 Summer Station ID ay nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pangunguna nina Robert Labayen, Johnny Delos Santos, Patrick de Leon at Ira Zabat. Ang SID production team ay pinamahalaan nina Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Danie Sedilla-Cruz at Dang Baldonado. Ito ay base sa konsepto nina Adrian C. Lim, Christine Joy Laxamana, Chiz Constantino-Perez, Lloyd Corpus, Alfie Landayan, Raywin Tome, Rap dela Rea, Marileth Abejero at Karlo Victoriano. It ay idinerehe ni Paolo Ramos kasama ang 2nd Unit Director na si Peewee Gonzales. Kasama rin sa team sina Jaime Porca, Technical Production Head; Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Oliver Paler, Alfie Landayan, Lawrence Macanaya at Karlo Victoriano, Post Production Team; Roger Villon, Logo Design; Con Ignacio, Editor; Darwin Duenas, Production Coordinator; Sam Esquillon, Production Designer; Nesh Janiola and Kristine A. Tan, Choreographers; Chiz Constantino-Perez, Artist Coordinator; Mary Ann Rejano, Talent Caster; Marvin Bragas, Location Manager; Marileth Abejero, Aileen Gooco, Photographers.
This blog post is credit to www.abscbn.pr.com
Follow me on twitter: @thePatrickCope
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento